EDITORIAL

‘Wag ibenta ang boto

 

Hindi nawawala ang alegasyong pamimili ng boto tuwing eleksyon.


Pero ang tanong, sinu-sino ba ang mga namimili ng boto?


Hindi ba’t ito ‘yung mga kandidatong walang tiwala sa kanilang kakayahang manalo?


Hindi ba’t sila iyong mga kandidatong ayaw ng tao, pero sa kagustuhang maluklok sa puwesto ay maglalabas ng sandamakmak na pera para makabili ng boto at makasiguro ng panalo?


Sa mga nakalipas na halalan, ganito ang kadalasang dahilan ng mga pulitikong kandidato kaya’t bumibili ng boto sa tulong ng kanilang mga kasangga sa pulitika.


Kung ganito ang ugat ng sinasabing pamimili ng boto, ibig bang sabihin ay desperado ng matalo sa eleksyon ang mga katunggali ni Nasugbu Mayor Sonia Torres-Aquino na tumatakbong kongresista sa ikatlong distrito ng Batangas kaya’t napapabalitang luminya na sa pamimili ng boto para lamang manalo?


Sa ibinatong impormasyon sa atin, malawakan na raw as in talamak na ang pamimili ng boto sa Nasugbu ng mga pulitikong walang bilib sa kanilang sarili, sa halip ay pera lamang ang kayang paki­lusin makamit lamang ang kagustuhang maluklok sa kapangyarihan.


Nakakalungkot ang ganitong sistema dahil lalo nitong ibinubulid sa masamang impresyon ang mga residente, kagaya ng senaryo ngayon sa ikatlong distrito ng Batangas, kung saan may sapat namang edukasyon ang mga mamamayan pero pilit na dinudungisan ng mga pulitikong gustong gumamit ng pera kapalit ng boto.


Pero sa kabila ng desperadong aksyon ng mga pulitiko, naniniwala akong walang puwang sa mga botante ng ikatlong distrito ng Batangas ang mga kandidatong bumibili ng boto at sa halip ay papabor pa rin sila sa mga kandidatong may sapat na kuwalipikasyon kagaya ni Mayor Aquino.


Maliban sa sapat na kuwalipikasyon, hindi rin kuwestyon ang pananatili sa poder ni Mayor Aquino dahil mahal na mahal ito sa lalawigan ng Batangas lalo na sa ikatlong distrito ng lalawigan, pruweba dito ang libu-libong mga residente ng Barangay San Vicente at Barangay Sta. Ana sa Sto. Tomas na sumaksi sa pangangampanya ni Mayor Aquino para personal na marinig ang mga plano sa distrito ni Aquino.


Ngayong tumatakbo si Mayor Aquino bilang kongresista sa ikatlong distrito ng Batangas, makatitiyak ang mga sakop nitong bayan ng mas maunlad na ba­yan kagaya ng pagpapaasensong ginawa ni Ma­yor Aquino sa Nasugbu na ngayon ay patuloy sa pagkikig dahil sa pagkakaroon ng maraming negosyo na naghahatid ng trabaho at mala­king tulong sa maraming residente ng Nasugbu at mga karatig lugar nito.

BACK TO HOME

EDITORIAL: Magandang regalo

SPY ON THE JOB: Magkaiba ng numero!

FOR THE RECORD: ‘Wag ibenta ang boto

LETTER TO THE EDITOR: