SHOWBIZ

Lian, inggit na inggit kay Paolo

 

 

 

PARANG reunion ng cast ng Bwakaw sa story conference kahapon ng bagong GMA Telebabad na pinamagatang Aso ni San Roque.


Aso siyempre ang isa sa mga bida at ang kinuha nilang gaganap ay ang magaling na asong si Princess na gumanap na si Bwakaw sa indie film na iyun ni direk Jun Lana.


Kabilang sa main cast si Gardo Versoza at si Eddie Garcia na sanay na sanay na nga sa kanya siyempre ang asong si Bwakaw.


Interesting ang kuwento ng bagong telefantasyang ito ng GMA 7 lalo na’t isa rin sa mga bida rito ang magaling na child star na si Mona Louise Rey.


Present din sa story conference na iyun sina Paolo Contis, Angelika dela Cruz, LJ Reyes, Rich Asuncion at Nova Villa.


Naikuwento na sa amin ni Paolo na kailangan niyang magpapayat sa bagong proyektong ito dahil madalas siyang naka-topless dito.


Kaagad daw niyang paghahandaan ito dahil malapit na silang magsimula.


Dalawang buwan din siyang nakapahinga dahil pagkatapos ng My Beloved, ang Manny, Many Prizes lang ang ginagawa ni Paolo.


Sa loob ng dalawang buwang iyun ay sobrang nakapag-bonding siya sa dalawa nilang anak.


“Inggit na inggit nga si Lian (Paz) sa akin, kasi, ako ang madalas na naiiwan sa bahay, nababantayan ko ang mga bata.


“Panay pa ang instagram ko kaya irita siya dahil parang iniinggit ko raw siya,” natatawang kuwento ni Paolo.


Kasali kasi si Lian sa Enchanted Garden at halos araw-araw ay nagti-taping ito. Bukod sa regular taping schedule niya, pumapasok pa ito sa PR office na pinagtatrabahuhan niya kaya sa weekends na lang niya naaasikaso ang mga anak nila.


Malaki rin ang pasasalamat ni Paolo kay Lian dahil sa napagtiyagaan siya at hindi ito bumigay.


Ang daming pinagdaanan ang kanilang relasyon, pero si Lian ang nagtiis at nag-hold sa kanilang relasyon na hindi tuluyang mabuwag.


“Spoiled brat ako, eh. Pagdating sa ganyan, bossy ako. Very patient si Lian sa lahat na intriga at lahat.


“Sobrang patient niya sa akin, sobrang patient niya sa lahat ng tao, na hindi naman kailangan, pero okay siya,” pahayag ng aktor.


“Nandiyan ang trust issue. Marami akong mali, pero Lian decided to stick it out with me,” patuloy.


Hopefully, sa susunod na taon ay matutuloy na ang kanilang church wedding. Kaya todo kayod sila ngayon para makapag-ipon sa binabalak nilang pagpapakasal sa simbahan na sana matuloy na raw sa susunod na taon.

BACK TO HOME

SHOWBIZ COLUMNISTS:

ALFIE LORENZO: Ogie, magluluto bukas sa mall

ALLAN DIONES: Elmo, nadalian sa halikan nila ni Julie Anne

GORY RULA: Barbie, na-touch sa surpresa ni Derrick

JUN LALIN: Mariel, ayaw mag-party sa Ramadan

OTHER STORIES:

Live shows ng ‘X Factor’ aariba na

Artistahin ang Top 16 ng ‘Artista Academy’

Rape scene nina Julia at Paulo, abante sa ratings

Lian, inggit na inggit kay Paolo