SHOWBIZ

Aubrey, tutulong sa kandidatura ni Ervic
MARIAN, NAG-NECK BRACE

 

MAY shooting na uli si Marian Rivera bukas para sa My Lady Boss movie nila ni Richard Gutierrez.


Hopefully, okay na okay na si Marian by today at nakapag-resume na rin siya ng taping ng Temptation of Wife.


Nang makausap ko si Tracy Garcia (ng GMA Films) na katuwang ko sa pagpo-promote ng My Lady Boss (na co-produced ng Regal Entertainment), nabanggit niya na kinailangang mag-neck brace ni Marian.


May kinalaman yata sa sobrang trabaho ang sakit ni Marian kaya ‘yung ‘motor’ sa may bandang leeg niya ay hindi nagpa-function nang normal.


Kinailangan niyang nagpahinga at magsuot nang neck brace.


‘Yung Temptation of Wife ay nagkaroon ng revision dahil napilitan silang bawasan ang mga eksena ni Marian dahil hindi siya nakapag-taping.


Karamihan pa naman sa kanilang mga eksenang kinukunan ay for airing.


***


Kahapon ay nasa Adajar Dental Services ako ni Dra. Cielo Adajar para magpa-teeth whitening.


Nakita ko roon si Angel Locsin na isa sa endorsers ni Dra. Adajar.


Kasama ni Angel ang mga kaibigang sina Bubbles at Paolo Paraiso.


Malaki ang ipinayat ni Angel, pero bagay sa kanya.


Nakasalang ako sa pagpapa-whitening ng teeth habang nagta-type ng co­lumn na ito sa laptop, kaya hindi ako makapagsalita at hindi ko nausisa si Angel sa isyu sa kanila ni Angelica Panganiban.


***


Hindi ko nabanggit kahapon sina Aubrey Miles at Ervic Vijandre sa mga celebrity na um-attend sa celebrity screening ng Seduction noong Martes nang gabi sa Gateway Cineplex, Araneta Center


Naging malapit sa isa’t isa sina Aubrey at Ervic dahil sa pagsali nila sa celebrity edition ng Survivor Phi­lippines.


Kahit natsismis silang dalawa noon, mukhang hindi sila nagpapaapekto at hanggang ngayon ay close pa rin sila.


Sabi ni Aubrey, nasa Seduction celebrity screening sila bilang suporta kina Richard at Solenn Heussaff.


Naikuwento ni Ervic na wala muna siyang ginagawang show ngayon at hindi na rin nagba-basketball dahil kumakandidato siyang city councilor sa lugar nila sa Taguig City.


Abala siya para sa paghahanda sa nalalapit na kampanya.


“Kapag nagsimula na ang campaign, tulungan n’yo ako, ha?” sabi sa akin ni Ervic.


For sure, tutulong si Aubrey sa kandidatura ni Ervic.


***


Speaking of Seduction, masaya ang mga taga-Regal Entertainment sa magandang feedback sa pelikulang idinerehe ni Peque Gallaga.


Sabi ni Roselle Monteverde, masaya siya sa magandang reviews sa Seduction at lalo raw luma­lakas sa takilya ang pelikula.


This weekend, inaasahan nila na mas tatangkilikin ng moviegoers ang movie.


Si Solenn ay nagbabalak din na mag-theater tour na naman bukas.


Patuloy ang promo nina Richard at Solenn ng Seduction dahil tuwang-tuwa sila sa magandang feedback sa pelikula.


Pati si Sarah Lahbati na nasa Switzerland ay happy sa mga papuri ng moviegoers sa Seduction.


***


Follow me on Twitter (@junlalin)

SHOWBIZ COLUMNISTS:
OTHER STORIES: