NEWS

PING AT KIKO FEEL NI PNOY SA GABINETE

 

 

 

WASHINGTON D.C. --- Mainit na sinalubong ng mga Pinoy si Philippine President Benigno Aquino III nang dumating ito sa Andrews Air Force Base para sa kanyang four-day working visit sa Washington, District of Columbia at Los Angeles, California, United States of America. Sina Pangulong Aquino at US President Barack Obama ay inaasahang mag-uusap hinggil sa iba’t ibang isyu kabilang na ang strategic, economic, at people-to-people ties ng bansa sa kanilang pagpupulong sa Oval Office. Tatalakayin din ng dalawang lider ang cooperation sa Asia Pacific. (Malacañang Photo Bureau)

Plano ni Pangulong Benigno Aquino III na gawing miyembro ng kanyang gabinete ang dalawang senador na magreretiro na sa 2013.


Sa press conference ng Pangulo sa United Kingdom (UK), kinumpirma nito ang kanyang pagkonsidera kina Sens. Panfilo “Ping” Lacson at Francis “Kiko” Pangilinan para maging bahagi ng kanyang gabinete.


“Those two in particular, yes,” tugon ng Pangulo nang tanungin kung kinokonsidera nitong kunin ang dalawang senador para maging miyembro ng kanyang gabinete.


Ngunit ayaw pang banggitin ng Pangulo kung saan ilalagay ang dalawa dahil kailangan pa niya umanong kausapin ang mga ito.
“Hindi ko pa sila nakakausap nang husto. Baka naman sabihin nila eh, ready kaming tumulong pero bakit mo naman kami nilagay dito lang,” ayon sa Pangulo.


Magugunitang sina Lacson at Pangilinan ay kapwa kaalyado ng Pangulo. Bukod dito, kabilang din ang dalawa sa pangunahing bumoto para sa conviction ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.


Una nang napaulat na ilalagay umano ng Pangulo si Lacson sa Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) kapalit ni Secretary Jesse Robredo na bibigyan umano ng bagong posisyon.


Si Pangilinan naman ay posibleng ilagay sa Department of Agriculture (DA) o Department of Justice (DOJ) sakaling matuloy ang pagtakbo ni Justice Sec. Leila de Lima bilang senador.


Ang Pangulo ay umalis ng bansa mula noong Lunes para sa kanyang pitong araw na state visit sa UK at United States.     
Samantala, kung swak umano sa expertise ni Lacson ang cabinet post na iaalok ni Pangulong Aquino ay maaaring ikonsidera ng senador ang pagtanggap sa puwesto.


“I’d rather wait for him to talk to me and formally make the offer. If I think the position fits my line of expertise so that I can help him pursue his vision for our country, then I would seriously think about accepting it,” ayon sa text message na pinarating ng senador kagabi.


“At this time when I have more past than future, it’s still worth capping my public service career by helping realize our people’s dream for our children’s future,” dagdag pa ni Lacson.


Sinabi naman ni Pa­ngilinan na hindi pa sila nagkakausap ni Pangulong Aquino.


“Wala pa kaming pinag-uusapan ni PNoy tungkol sa appointment bilang cabinet member,” anang text message ni Pangilinan kahapon subalit nagpasalamat ito sa tiwala ng Pangulo. (Nina Eralyn Prado, Dindo Matining at Boyet Jadulco)

BACK TO HOME

PING AT KIKO FEEL NI PNOY SA GABINETE

China may barko pa sa Panatag Shoal

Palasyo hugas-kamay kay Midas Marquez

25 kongresista sa laban ni Pacquiao

Selection process sa CJ isapubliko -- obispo

RH sa Kamara nadale ng delaying tactics

Honasan may waiver na rin

PARANGAL NAPAKYAW NA NI PACMAN

SC kinalampag ng partylist group

Standard Helmet law ipatupad

‘Di saklaw ng Customs