NEWS

Loren vs Chiz noong 2007 mauulit?

 

Inaasahang mauulit ngayong eleksyon ang kasaysayan ng karerahan sa 2007 senatorial elections kung saan ay nag-agawan sa una at ikalawang puwesto sina re-electionist Senators Loren Legarda at Chiz Escudero, ayon sa isang political analyst.


Ito ay bunsod ng pagbawi ni Escudero sa No. 2 slot sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Abril 20 hanggang 22 sa may 1,800 res­pondents nang makakuha ito ng 48.3 porsiyento, pumangalawa kay Legarda na may 51.5 percent.


Sina Escudero at Legarda ang mainit na magkatunggali para sa No. 1 at No. 2 slot sa mga naunang survey para sa 2013 elections kung kaya’t inaasa­han ang gitgitan nitong muli matapos makabawi si Escudero na una nang luma­gapak sa nakalipas na survey matapos ang kontro­bersyang kinasangkutan sa pagitan ng mga magulang ng kanyang kasintahan na si Heart Evangelista.


Mas kapana-panabik, anang isang political analyst ang labanan sa pagitan ng dalawa at magiging ka­abang-abang kung sa pagitan pa rin nina Escudero at Legarda ang pupuwesto sa 1 at 2 slots.


Sinabi naman ni poli­tical analyst Mon Casiple na habang papalapit ang eleksyon ay mag-iiba pa rin ang resulta ng mga nagla­labasang survey, bagama’t nakuha umano muli ni Escudero ang top 2 slot ay hindi pa rin ito nakasisi­guro na mapapanatili ito sa mismong araw ng eleksyon lalo at sa mga nakalipas na survey ay bumaba ito at umabot pa sa ranking na 5. (Tina Mendoza)

BACK TO HOME

KRIS AQUINO KAKANDIDATO KAPAG....

Pagtakas ni Mancao pinabubusisi ni PNoy

Hatak ni PNoy ‘di apektado ng mataas na unemployment rate

Loren vs Chiz noong 2007 mauulit?

Kandidatong sangkot sa vote-buying may kalalagyan

Kamara hands off na sa kaso ni Corona